sino bang ka-text mo?
kasamahan mo ba sa trabaho?
kaibigan?
nanay mo?
sino bang ka-text mo?
bakit parang masaya ka?
kumikislap pa ang mga mata mo...
joke ba yan na nakakatawa?
sino bang ka-text mo?
bakit kailangan nakatago pa ang cell phone mo?
bakit ngayon hindi mo na iniiwan sa ibabaw ng tokador?
bakit naka-silent mode ang phone mo?
sino ba ang nagte-text sayo?
bakit ganyan ang mga sinasabi nya sayo?
bakit malambing ang text nya sayo?
sabi nya nagkikita daw kayo?
gusto mo ba sya? huwag kang mag-alala...
hindi ako galit. nagseselos ako kahit wala akong karapatan.
kung sa pakiramdam mo ay makakabawi ka sa lahat
ng kasalanan ko sayo sa pamamagitan nya,
hindi kita pipigilan.
at kung mapapasaya ka nya, hahayaan kita.
ngayon, kung plano mong ipagpatuloy yan, okay lang.
pero sana umuwi ka sa inyo. kung ayaw mo, ako na lang ang lalayo.
pag tapos ka na, i-text mo lang ako.
saka tayo magkita ulit.
PBA09r4qsp15

0 Freakouts:
Post a Comment