madami dyan ang nagtataka kung bakit tagalog ang blog ko. siguro iniisip nyo, hindi ako marunong mag-ingles. mali kayo. tagalog ang blog ko dahil gusto ko dahil blog ko to. marunong ako mag-ingles. nag-training ako ng ESL bago ako nakapagtrabaho sa call center. bago ko nabuo ang konsepto ng blog na ito, iba ang nasa isip ko. fashion blog sana ito. kaso, hindi naman ako mayaman. maaaring fashionista ako pero hindi ko afford ang mamahaling bagay kagaya ng mga damit, sapatos, bags at kung ano-ano pa. namimili ako sa divi at malls minsan sa isang taon. sa ukay-ukay ay nakikihalukay din ako. sa ebay at multiply. lahat yan ay minsan sa isang taon lang. mas madalas, nanay ko ang bumibili ng gamit ko sa amerika at saka nya ipapadala ang mga iyon sa amin. pero minsan lang din yan sa isang taon. kung fashion blog ang gagawin ko, baka maubusan ako. binago ko na lang ang ideya ng pagsusulat na gagawin ko. tagalog na lang, sabi ko sa sarili ko. para maipaliwanag ko ng mabuti ang gusto kong sabihin. para hindi masakit sa mata ng ibang pinoy na makikibasa sa blog ko. pero naisip ko pa rin na subukan ang pagsusulat sa ingles. dun sa kabilang blog ko, ingles ito pero hindi ko masyadong sinusulatan. alam ko din na hindi perpekto ang grammar ko. so what? puro taga-ibang bansa ang visitors ng blog na yun. and i'm sure they don't mind kung tama o mali ang grammar ko.
pangalawa kong naisip kung anong title ng blog ko. unang title nyan ay landslide. kaso ayoko na. hindi makatotohanan. hindi naman ako taga-Baguio. ano pa kaya? hanggang sa sumulpot sa utak ko ang salitang "bodega".
nung bata pa kami, sa bahay namin sa tondo... may isang maliit na built-in aparador sa sulok ng third floor ng bahay namin. mga isang dipa lang ang sukat nito. duon nakatambak lahat ng lumang laruan, tsinelas, damit, basag na plato, daga, medyas, basahan, at kung anu-anong abubot na hindi na kailangan. kapag binubuksan ito, humahalimuyak ang amoy ng pinaghalo-halong lumang kagamitan at alaala. sabi ko ulit sa sarili ko, hindi ba parang bodega din ang isip ng tao? lahat ng luma o bago, masaya o malungkot, maganda o pangit, nakakadiri at hindi, lahat yan, sa isip natin nakatambak? aaah... tama! bodega na lang ang ipapangalan ko sa blog ko!
pangatlo kong naisip, may magbabasa kaya ng blog ko? pero bakit ako mag-aalala? labag na labag sa kalooban ko ang ipagyabang ang mga bagay na meron ako. sabi nila, i-promote ko daw ang blog ko. ha? ayoko nga. mag-follow daw ako ng isang sikat na blog para ng sa ganun ay may magka-interes na sumilip ng blog ko. ha? ayoko nga. bahala na ang taong bayan na kumilala sa ginagawa ko. hindi naman ako taga-DPWH na gumagawa ng kalye sa tanghaling tapat kung kelan maraming dumadaan para lang ipakita sa lahat na kumikilos ako. sa totoo lang, kahit kapatid ko na sa kabilang kwarto lang natutulog at may sariling computer at blog ay hindi alam ang URL ng blog ko. para naman kaming tanga kung ipa-follow namin ang isa't isa at magko-comment sa isa't isa na para bang hindi magkakilala. kaya nga, di bale ng walang magbasa, pasasaan ba, malalaman din ng lahat ito. may sikreto pa ba sa internet ngayon?
hindi ako writer. hindi ako designer. hindi ako photographer. hindi rin ako sikat. isa lang akong maybahay ng isang data encoder at may tatlong anak na may edad na 11 pababa. wala akong trabaho. hindi rin ako gimikera. ni hindi ko nga alam ang papuntang The Fort. mahilig ako sa fashion, arts and music. pero parang lahat yun ay walang interes sa akin kung minsan.
maaaring maraming bagay ang hindi tiyak tungkol sa akin. marami din bagay na wala ako. hindi na mahalaga ang mga yun. sa ngayon, masaya lang ako sa buhay ko. basta may kamera ako at may internet connection, okay na ang maghapon ko. araw-araw, may mahahalukay ka sa bodega ko.
PBA09nqnq9s0

18 Freakouts:
Abie, i've been enjoying reading your blog! I love how you do it in Tagalog at pinili mong gawin ito in our very own national language . Very good tagalog lesson for me too kasi Bisaya ako. Kailangan kong matuto ng mga malalim na tagalog words. I didn't grow up talking tagalog but learned it through a tutor when I was in pre-school and of course learned more about the language in primary & high school. Nag-ienjoy akong basahin ang blog mo! Keep up the good works girl!
maraming salamat, kapatid! mahirap kasing i-express ang sarili kapag hindi ko tinagalog ang blog ko. mawawala ang sense ng mga sasabihin ko kapag puro ingles ang isusulat ko. talagang ginawa ko ito para sa mga Filipinong maliligaw sa blog na ito. kahit man lang sa blog ay maipakita ko na proud ako sa lahi ko. hehehe... masyado bang makabayan ang tema ko? salamat uli!
Magkakasundo tayo neng!
Taong bundok kasi ang may-ari ng blog ko, kaya tagalog din ang akin!
lol...
nice! :) nalibang ako dito sa blog mo. ansarap mag blog ng tagalog, sariling wika... ako trying hard mag english, mali mali nga grammarship ko e. hahaha. keep it up po. :)
@ambidextrous and anna
salamat sa pagdalaw ninyo sa blog ko! ^_^
@ anna
no problem kung wrong grammar. ganun din ako eh... rusty na ang english ko hahaha! ^_^ salamat uli!
Hi nag hahalukay ako sa google nkita ko ito naenganyo lang akong basahin dahil mahusay ang pagkakabitiw mo ng salita. mahusay,
parang tuloy-tuloy ang agos ng damdamin habang nagbabasa. sana mkapasyal ka din sa blog ko.
jettroshangout.blogspot.com
grabe impress ako sayo , natuwa tlga ako sa blog mo. tama ka magtagalog nalang tayo para mas magkaintindihan.
@janna
hahaha! maraming salamat sa padalaw mo sa blog na ito! :) kagaya ng paniniwala ko, okay lang naman mag-english basta ba hindi suplado sa personal... ^_^ may english blog din kasi ako. pero yung mga nagbabasa nun ay walang kyeme sa english ko. nakakalungkot lang isipin, madami kasing blogger na pinoy na parang nakatuntong sa likod ng kalabaw. feeling mataas na agad.
madaming salamat ulit sa pagbisita!!! :)
Hi, Bb. I_wander,
Nakita ko na itong post mo ay isa sa mga Finalists para sa Top Ten Posts of the Year 2009. Na-intriga ako.
Tagalog din ang gamit ko sa aking blog, although, paminsan-minsan, may Inggles din.
Unang naisip ko, liliit ang bilang ng magbabasa ng aking blog. Iilan lang ang Pinoy na may access sa Internet. Hindi pa lahat marunong ng Tagalog. At hindi lahat ng marunong gustong magbasa ng Tagalog.
Ikalawa, kung gusto kong humusay sa Inggles, 'yun ang dapat kong gamitin. Kahit balu-baluktot.
Kaso, may pangarap ako sa buhay. Na sana, magkaroon tayo ng tunay na Pambansang Wika - Pilipino. Hindi Tagalog, hindi Bisaya, hindi Inggles. Pero, mag-uumpisa lang 'yun kung gagamit tayo ng sarili nating wika, ilalathala, babasahin, at gagamitin sa mga usapin.
Kaya kay ganda kung may nakikita akong mga blogs na may lakas ng loob magsulat sa Tagalog, o Bisaya, o Ilocano. Baka sakali, dumating ang araw, lahat na ay nagsusulat sa Pilipino.
Keep up the good work!
maraming salamat sa pagbisita mo sa aking blog! hindi ko alam na may magkakainteres pa pala na magbasa ng post ko. tama ka sa maraming bagay, kapatid. ako naman ay may blog pa din sa wikang ingles. duon kasi bumibisita ang aking mga kaibigan kong dayuhan. dito sa blog na ito, dito ko binubuhos ang lahat ng sama ng loob ko. mas masarap atang magmura gamit ang wika natin! hehehe! hindi naman lahat... maraming salamat ulit kapatid!
salamat at kahit natagalan ay nagawi rin ako sa blog mo at nabighani ako sa ganda at liwanag ng mga sinasabi mo, yun ay dahil nasa sarili nating wika kaya napakadaling maintindihan ng isang karaniwang mambabasang katulad ko. thanks.
masaya ako at nakakita rin ako ng blog na tagalog. kasi ang blog ko tagalog din. sana po mabisita nyo rin. salamat.
napad-pad ako sa blog na ito kasi naghahanap ako sa google kung pwede bang mag sulat nang tagalog sa blog ..ok ba ang google adsense na mag sulat ako nang tagalog kasi ang hirap nang english,,,at nakita ko ang blog mo ,,,parang pwede naman yata,,,hhh,,,sorry sa tagalog ko bisaya kasi ako..great blog ,,
galing mo ate!
nice blog.. hehe.. pero mas ok to kung English.. mas malaki ung chance sa SEO try to move your blog in English malki din ang chance ang magiging rtate ng adsense.. muh hehe..
keep it up! :)
@Ormz
salamat sa advice pero hindi kung napansin mo hindi ko na ina-update ang blog na ito. tsaka hindi naman talaga ako mahilig sa mga SEO kahit na alam ko yun. at tsaka may blog akong English - madami. naka-domain na yun. salamat ulit sa advice ^_^
Salamat kapatid! :-)
Mang Juan ofThe Philippine Landmarks Today
Mang Juan ofThe Philippine Landmarks Today
Salamat kapatid! :-)
Mang Juan ofThe Philippine Landmarks Today
Post a Comment