Monday

Jesus Christ Superstar

ang pelikulang ito ay una kong napanood nung grade 3 ako. mula noon, kagaya ng wrestlemania, naging tradisyon na ito ng pamilya. hindi lilipas ang mahal na araw na hindi namin sya pinapanood. talaga naman! sino bang hindi mawiwili sa ganda ng mga boses ng mga taong ito? bingi ka o bobo o wala kang alam kung hindi mo ito ma-appreciate...

at lahat ng hinawaan ko ng sakit na to ay taon-taon na rin nanonood. pati na rin ang mga hinawaan nila. sakit ngang maituturing. ewan ko. madami din naman kumontra. blasphemous daw. ipinapakita ng pelikulang ito ang relasyon ni Jesus kay Magdalena. ipanakita din dito ang human side ni Jesus. at hindi daw katanggap-tanggap yun. ewan ko sa inyo! mahirap makipagtalo pagdating sa religion. unang-una, hindi ako nagbabasa ng Bible. naniniwala ako sa Diyos, Katoliko ako eh. pero hindi ako exaggerated kagaya ng iba. ito ay pelikula lamang. ginawa ito para ma-entertain ang manonood. hindi para bad tripin ang sarili mo.

pinag-aral ako ng pamilya ko sa catholic school na exclusive for girls. pero wala naman akong natatandaan na itinuro sa amin ng mga Sor at Sisters na maging exaggerated pagdating sa religion o Bible. bawat tao ay may karapatang pumili ng mga bagay na dapat nyang paniwalaan. kung pinili nyo ang magpakadalubhasa sa relihiyon, wala akong pakialam. trip nyo yan. ako hindi. masaya ako sa ginagawa ko. wala akong sinasagasaan at pinakikialaman na trip o paniniwala. masarap sabihin na hindi nyo din naman alam ang totoo unless nabuhay ka kasabay ni Jesus at hanggang ngayon ay buhay ka pa. pero wag na lang. baka makatanggap pa ako ng death threats sa blog ko. hindi ako blasphemous. nagkataon lang hindi sarado ang isip ko sa mga ganyang bagay.

may nakausap pa nga ako na seminarista. nasa bahay sila nung araw na nanonood kami ng JCS. sa mga hindi nakakaalam, musical kasi ang movie na ito. hataw sa kantahan at sayawan. tipikal na pelikula ng pinagsanib pwersa na naman nina Andrew Lloyd Webber at Tim Rice. sabi ng seminarista na yun habang nanonood ako ng JCS, "walang Biblical relevance ang movie na ito! hindi sya dapat panoorin! walang kwenta!"............ basag ang trip ko, di ba? parang gusto ko syang hawakan sa braso at alugin at tanungin, "san sa palagay mo nakuha ang mga karakter na yan?! sa komiks?! tanga ka na, bingi ka pa!" pero wag na... seminarista sya. maybahay lang ako. mauubos ang laway ko sa pagpapaliwanag pero hindi sya makikinig. tinawanan ko lang sya. san ka man naroroon, brod... sana hindi ka matuloy sa pagpa-pari! kasi ang tanga-tanga mo! narrow minded ka! paksyet!

parang "Da Vinci Code"... ang daming kumontra... ang daming welga... letse... yun pala, hindi pa nila nababasa ang libro. kahit anong sabihin ng iba... WALANG MAKAKAPAGBAGO NG PANINIWALA KO SA DIYOS! huwag nyo akong tanungin ng mas malalim pa dyan. hindi ko kayo pasasayahin.

manonood na lang ako ng Jesus Christ Superstar. sasaya pa ako. hinding-hindi ko kayang ibaon sa limot ang mga lyrics ng mga kanta dito. hanggang ngayon, nakakasabay pa din ako sa kanta. hindi nga lang lahat. pero nagugulat pa din si D kapag sinasabayan ko ito. natatawa sya. kakaiba daw ako. pati si adj1 nakikinood sa amin. aspiring singer si adj1. kaya gusto ko din na makinood sya sa amin para magka-idea lang sya sa mga ganitong bagay. at isa pa, gusto ko syang maging broad minded kagaya ko. naks! kagaya ko ah!

minsan, nakatuwaan kong hanapin sa Youtube ang mga videos na ito. kasi nga wala na akong kopya ng JCS. nagtitiis na lang ako sa mabagal na buffering ng mga videos sa Youtube. mapanood ko lang sya. natuwa ako ng malaman ko na buhay pa pala si Ted Neeley. sya ang gumanap na Jesus Christ. hataw ang boses ng taong ito. daig pa si Axl Rose! at hanggang ngayon, ginaganapan nya pa din ang role na ito kahit 65 years old na sya. si Yvonne Elliman na gumanap na Mary Magdalene. buhay pa din pala. maganda pa din ang boses nya kahit matanda na. si Carl Anderson ay namayapa na dahil sa sakit na leukemia. sya ang gumanap na Judas. susmarya din sa boses ang mamang ito. halos lahat ng gumanap, sino man sila, lahat ay magaling. lahat, nakatatak sa isip ko.

heto ang video na gusto kong i-share sa lahat. kinanta din ni Ted Neeley sa kanilang road tour ang kantang ito. kahit ako, naluha sa nakita ko. 65 yrs old na sya pero nakakanta pa din nya ng mahusay ang kantang ito.

Jesus Christ Superstar, 1973


JCS Farewell Tour, 2008-2009?


***sa paglalakad ko sa buhay ko, madami akong nakita... masasayang lang kung hindi ko ibabahagi sa iba ang mga iyon. isa lang naman ito sa nakita ko.***

2 Freakouts:

Balty said...

Maganda talaga ang pelikulang ito. Nung bata ako, tatlong ulit ko 'atang pinanood sa sinehan. Lumabas na lang ako kasi gutom na ako.

At pag pinapanood ko ito, nakakaramdam ako ng nostalgia. 'Yung bell-bottoms, 'yung Afro hair, 'yung pantaas na suot ni Hudas. Very '70's.

At ang music, walang-kamatayan!

JCS is told about the last week of Jesus, as seen in the eyes of Judas. Kaya, kay Hudas ang point of view ng JCS, hindi sa apat na evangelists.

Siguro, inisip nina Weber at Rice na kung sila kaya si Hudas, paano nila i-interpret ang mga pangyayari?

Sa musical, hindi masamang tao si Hudas. Mahal na mahal n'ya si Kristo, at gan'un din si Kristo sa kanya (kinumutan pa ni Kristo si Hudas kahit na ang huli'y papunta na sa mga Pariseo). Pero, hindi lang talaga maintindihan ni Hudas si Kristo. Akala n'ya, inililigtas pa n'ya si Kristo sa lupit ng taongbayan kaya n'ya gustong mapakulong si Kristo.

Kaya, kung hahanap ka ng Biblical relevance...teka, meron din naman. 'Di ba pagmamahal ang itinuturo't ipinapakita sa JCS?

At, nabasa ko, ang "I Don't Know How To Love Him" ay paborito ni Pope Paul VI.

i_wander said...

ha? may nagkomento sa post kong ito? hindi ako makapaniwala! parang lahat ng taong bumisita dito ay iniiwasan ang post na ito. salamat ulit sayo ha! :) at salamat dahil nalaman ko na paborito pala ni dating Pope ang paborito ko ding kanta at kantahin! amazing talaga! ^^

walk with me...