har har har!!! oo! tama ang nabasa mo! marunong na ako mag-bike! hahaha! wala kang pakelam kung 30 na ako at saka lang ako natuto! basta ang alam ko masarap ang mag-bike! wala lang akong picture eh... pero wait ka lang! syempre magpapagawa pa ako ng damit kay Rajo Laurel, magpapa-makeup pa ako kay James Cooper... gusto ko kasi airbrush ang gamitin para hindi agad mabura. bibili pa ako ng Manolo Blahnik na sapatos para habang nagba-bike ako at kinunan ako ng picture, maganda naman ang kalabasan, di bah?
nakakatuwa! una ko tong sinubukan nung 10 years old ako. kaso tanga ako sa pag-balance. kapag sinasabi nila na tingin daw ako sa malayo habang pumapadyak, iniisip ko: anu yun? pano kung may lubak sa malapit? hindi ko sya makikita kung titingin ako sa malayo, di bah? ayoko na nga! magulo pala yang bike na yan! tapos sabi nila kapag sumemplang ka, matututo ka na. sus! ilang beses na ba akong bumagsak, nasugatan at napahiya... hindi pa rin ako natuto!
pero ngayon! HAHAHAHAHA! marunong na ako!!! hindi na ako maglalakad kapag bibili sa tindahan! hindi na ako matatagalan sa paglalakad ng malayo bago ako makarating sa tindahan! malayo kaya mga tindahan dito... parusa! meron ngang malapit, wala naman tinda kundi boy bawang! syet!
wala lang... basta! marunong na ako mag-bike! saya!

3 Freakouts:
oo, tama ka.. ang sarap mag bike. Exercise na, Masaya pa..
Noong bata pa ako hilig kong mag bike-bike kahit paikot-ikot lng sa bakuran namin ngunit ngayong ngkaedad na ng kunti at nagtatrabaho na rin hindi ko na ginagawa iyon.
♣♠♦♦◘○○Binabati kita..♣♠♦♦◘○○
salamat sa pag-komento kapatid! ^_^ sana sa kabila ng pagiging abala mo sa pang-araw-araw na gawain ay makahanap ka pa rin ng oras para sa pag-bike... tama ka! masarap itong exercise. at hindi ko akalain na malaki pala ang naawala sa pagkabata ko dahil hindi ako marunong mag-bike. hahaha... kaya mag-bike tayo!!! ^_^
Wow Congratulations! Alam mo ba, nabasa ko yong biography ng wife ni former UK PM Tony Blair na si Cherie Blair at nabaggit nya na hanggang nrayon at her age mid-50s na hindi pa rin sya natutong mag-bike kahit since small uncoordinated daw katawan nya. So it's not too late for you to learn biking at 30 dear! I am so proud of you! Enjoy din akong mag-biking since I was little at kahit dito sa London pag-summer nagba-biking kami ng hubs ko sa park almost everyday sa gabi kasi long days pag-summer (it starts to get dark at around 10 pm na). Kung hindi malamig dito 9 months in a year lagi sana kami nagba-biking. Well have fun biking!!!
Post a Comment