hindi ba madalas natin marinig ang salitang "squatter"? lalo na sa away... alam mo, walang problema kung sa squatter ka nakatira. lahat ng kalat kayang tiisin. isama mo na pati amoy. pero ang ugaling iskwating kahit kelan hindi. kapag sinasabing squatter, hindi ibig sabihin nilalait ang tinitirhan mo. yun ang pag-uugaling meron ka. kahit sa ayala alabang ka pa nakatira. naranasan ko din ang tumira sa ganyang lugar pero kahit kelan hindi ko ginawa ang madalas gawin ng iba.
heto ang ilan sa mga ugali at kilos na iskwater ang dating:
-maingay sa jeep. para bang ikaw ang may-ari.
-malakas tumawa na para bang papansin.
-mahilig mag-text na sticky caps ang gamit. dI bAh? aUcoh nGa nG gAnUn!
-tumititig sa kinakain ng iba. bad yan...
-mura ng mura... tangina na naman oh...
-dura ng dura sa pampublikong lugar. isama mo pa ang pagdahak at pagluwa ng plema.
-naka-flipflops kahit super formal ang damit. havaiianas daw kasi...
-sunod ng sunod sa uso kahit hindi bagay.
-eto matindi! PASOSYAL! SOCIAL CLIMBer! SA LAHAT NAMAN... YAN ANG NAKAKAINIS!
-pakuha ng pic sa labas ng embassy club, jaipur o manor. di bale kung hindi sadya... uy, bakit yung damit mo dun sa isang pic suot na ngayon ng friend mo? euw! purita!
-eto pa isa! MAGSUKAT NG DAMIT SA MGA BOTIQUE AT KUNAN NG PIC ANG SARILI SA LOOB NG FITTING ROOM TAPOS IPO-POST SA FRIENDSTER AT AARTE NA PARA BANG TOTOONG KANYA ANG DAMIT! YUCK SA LAHAT YAN! ATTENTION BOTIQUE OWNERS! DAPAT BAWAL YAN! SA 168 NGA BAWAL KUNAN ANG MGA PANINDA, SA INYO PA KAYA?
-kumain ng burger tapos maingay ngumuya...
-tambay sa starbucks tapos mag-uuwi ng tissue na singkapal ng mukha nila.
-bumibili ng fake tapos sasabihin authentic. ay mali! mas madalas nilang gamitin ang salitang orig kesa authentic. kaya alam mo tuloy na hindi.
-ah eto... yung mga supladang pinoy sa internet at blog world. yung iba dyan, binati mo na, ni hindi ka man lang batiin pabalik. pero basahin mo ang entries, puro wrong grammar. yabang naman...
actually madami pa eh... kaso mahirap mag-isip... tsaka alam nyo naman yung iba. para sa akin, hindi kasalanan kung sa squatter ka nakatira o umuupa ka lang ng bahay. mas mahalaga ang laman ng pagkatao mo. hindi ko pa nasubukang gawin ang mga bagay na nabanggit ko. ayoko... baka magalit ang nanay ko... tinuruan nya kami na magpakatao. at makibagay sa kahit na sino. pero huwag pilitin na maging hindi ikaw sa harap ng iba para lang tanggapin ka nila. makuntento sa kung anong meron ka...
*** bato bato sa langit ang tamaan wag magalit. ***
PBA093r1r165

3 Freakouts:
HAHAHAH!! Ang samaaaa!! Oi, minsan ganyan din ako, maraming nag greet sa blog ko pero hindi ko rin sila na greet, hindi naman ako suplada most of the time kase absent minded ako, minsan na click ko na yung link tapos sasabihin ko sa anak ko "ano na nga yung gagawin ko?" ahahah!!!
Sorry po kung wrong grammar din ako, kase epekto yun ng pagkaka ospital ko, may mga slip ups.
Nice blog!
Hahahaha!!! Anu vech!!! Kakatawa naman tong post na to!
Oi, sorry ha, hindi naman sa nagsusulada ako, pero totoong absent minded ako, may times na na click ko na yung link tapos tatanungin ko anak ko "ano nga bang gagawin ko dito?"
Saka sorry din po sa wrong grammar, yan ang epekto ng nasobrahan sa anestisya. May mga lapses na sa memory.
Katawa ang post na to, gusto ko to!
hi ms. riza! ^_^ hehehe! pasensya na sa post ko na ito ah. kasi nung time na isinulat ko ito, inis na inis ako dun sa isang mayabang na blogger na pinay!!! ni hindi man lang nag-comment back sa comment ko sa post nya. nung binalikan ko yung blog nya, strictly for invites na lang?!! tsk tsk tsk! anu ba yun? damot di ba? kala mo naman nanakawan ng post... hmmpf! tsaka yung grammar, okay lang naman yun eh. ako din naman wrong grammar din. wala naman yun sa kanila di ba? nainis lang talaga ako dun sa isang blogger na yun! ang yabang at ang asim!!! haaay! sorry ms. riza ha... ^_^ pang-bad people lang ang post na ito. hehehe
Post a Comment