Thursday

saglit lang...

alam kong late post na ito, pero pasensya na ha... ngayon ko lang kasi naalala na i-share sa inyong lahat ang adventure na ito.

pagkatapos ng Talentadong Pinoy adventure ng Franciscan Quartet, naimbitahan kami ng nanay ng isa sa kanilang myembro na umattend ng birthday party ni Chowder. si chowder ay kapatid na bunso ng isa sa mga quartet. yun lang ang nakasanayan ng mga bata na itawag sa kanya kaya yun na lang din ang ilalagay ko dito.

bongga ang party ni chowder! may mamang sorbetero, catering, jollibee mascot at choco fountain na talaga namang binakuran namin ni JM (isa sa quartet). OMG! ang sarap talaga ng chocolate nayun! may marshmallow pa! yumm!

hindi pa man tapos ang party na yun ay sinundo na kami ng school service para naman sa isa pang birthday party sa tagaytay. isa itong retreat house/resort ng school nila. maganda dun! party naman yun ng apo ng may-ari ng school. may clown, may magic show, may lobo din, catering at kung anu-ano pa. syempre pa enjoy ang mga bata! ngayon lang nangyari ang ganito. para kaming nakatuhog ng kambal na fish ball. jackpot ika nga!

maganda ang lugar na yun talaga. may swimming pool. presko. malawak na garden. may chapel din, function hall, dining area na malaki at maganda ang interior design. mga chandelier na mamahalin. paintings at figurines. mukhang antique pa nga yung iba eh... in short, busog na ang tyan namin, busog pati mata ko sa mga nakita ko.








busog din ang mga lamok. sobrang laki ng mga lamok duon. kapag kinagat ka parang magkakapasa ang pinagkagatan nito. masakit mangagat. nakakatakot.



lingid sa kaalaman ng lahat, may isa akong napansin. yung driver na naghatid sa amin. buong byahe namin papuntang tagaytay, masayang naglolokohan ang mga bata sa sasakyan. luma na ang sasakyan na ito. walang aircon. pero hindi yun ang punto ng kwento ko. hindi naman ako maarte na hindi makakasakay sa lumang sasakyan. kahit ano, kahit saan pwede ako. hindi ko alam kung anong problema ng mamang ito. nahiya naman akong sitahin dahil mukhang asawa sya nung isang gurong kasama namin. siguro hindi nya gusto ang ideyang pagsundo sa amin at paghatid pabalik sa pinagsunduan nya sa amin. siguro dahil tumirik ang sasakyan bago kami makarating sa pupuntahan namin. siguro dahil naiingayan sya sa mga bata. siguro dahil masakit ang tyan nya. maraming posibleng dahilan pero isa lang ang tanong ko: bakit ako na naman?

pagdating namin sa venue ng ikalawang party, doon nagsimula iyon. sakto naman na ako ang naka-upo sa dulong bahagi ng sasakyan kaya obligado na ako din ang huling bababa. nakababa na ang mga bata kasama ang mga nanay nila pati na rin si teacher C, nang marinig ko na sinambit nya ang salitang ito: "BAWAL ANG MAINGAY DITO!" inakala kong biro yun. pero ng lingunin ko ang mukha nya, mukha syang galit. hindi ko na pinansin. petty. ako at yung teacher na isa pati ang anak nito na lang ang natira. yung mamang driver na yun ay nasa driver's seat pa din. bago ako bumaba, narinig kong sinabi ng bata: "Baba na po ako." pagkarinig ko nito, inalok ko sya na: "Halika, anak. Sabay ka na sa akin, gusto mo?" bilang ina, naiintindihan ko ang naramdaman ng batang yun. na-excite sya sa nakita nya kaya gusto nyang bumaba kahit hindi nya kasabay ang mama nya. nagmagandang loob lang ako. isa pa, mabait ang gurong yun kaya magaan sa loob ko na gawin yun. pero minasama ata ng mamang driver yun. dahil ang sagot nya ay: "PSST! HINDI! DITO KA LANG! WAG KANG BABABA!!!" ???
alam nyo, maaari ko na sanang hindi pansinin ang gesture nyang yun. dinuduro nya pa nga ang bata habang sinasabi nya yun at nagtatagis ang kanyang mga bagang. hindi ako O.A. magkwento. dun ko naisip na baka nga anak nya ang bata at asawa nya ang teacher. PERO, bakit parang galit na galit sya? bakit nya nasabing bawal ang maingay sa lugar na yun gayong hindi naman sa kanya ang lugar na yun? bakit nya nasabi ito nung saktong nakababa na ang lahat? bakit nya pinagalitan ang bata pagkatapos kong alukin na sumabay sa akin? sensitive ba ako masyado? o totoo ang hinala ko?


maaaring naiinis nga sya sa amin. bakit? inano kaya namin sya?

aaaah! gusto ko sanang kausapin si teacher C tungkol dito. gusto kong ipaalam sa kanya ang pangyayari. kinuwento ko iyon sa mga nanay na kasama ko. dahil naniniwala akong they ought to know. kami lang naman ang alien sa sasakyan na yun. pero hindi ko na lang sinabi. ayokong ma-spoil ang fun nilang lahat. pero hanggang pag-uwi at bago matulog, dinamdam ko yun. it's very unusual kasi hindi nga ako madaling maapektuhan ng mga ganun. kahit late na, gusto ko pa sanang itext si teacher C. pero pinigil ko ang sarili ko. maraming malalagay sa alanganin kapag ginawa ko yun. nanahimik ako. pero masamang masama ang loob ko. palagi na lang ako nag natatapat sa ganung sitwasyon. kagaya ng pangyayari sa gwardya ng ABC 5. at ng ilan pang pangyayari sa buhay ko...

bakit ako na naman???

siguro dahil espesyal ako... ^__^

**sana yung mamang driver na yun ay maturuan ng manners ng asawa nyang teacher (kung asawa man nya ito)... dahil nakakasira ng reputasyon ang ganung kagaspangan. unang una sa lahat, hindi namin pinilit na sumakay sa kanya. sabi nga ng isang nanay, kung alam lang daw nya, sana dinala na lang nya ang sasakyan nya. at mas nauna ang dahilan na imbitado ang mga bata sa handaan na yun. madami pa akong pwedeng sabihin pero hindi na maganda yung iba kaya shut up na ko... bahala na kayong manghula.**

hay naku... isang araw na naman ang lumipas... kapag swerte ka nga naman... >_<

0 Freakouts:

walk with me...