Saturday

Cory, Estero at Birthday ni C... may bonus pang byahilo!

madami na ang nagblog ng tungkol kay Cory mula ng mamatay sya... overrated na nga yung iba eh... napakalaking bahagi kasi ng event na ito sa buhay ng mga Filipino. magba-blog din ako ngayon ng adventure namin nung naka-burol sya sa Manila Cathedral.



Pumunta kami dun ng mga bata kasama ang kapatid kong si C at ang kanyang pamilya. Birthday ni C nun. pero imbes na piliin nya ang mag-celebrate sa bahay, mas ikinatuwa nya ang pagpunta duon para makiramay at ipakilala sa mga bata si Cory. naks naman!

(T-shirt ni ADJ1)

pagkatapos ng madaming rekusitos sa bahay at sa daan, nakarating din kami sa Intramuros. sus! hindi ko namalayan na nakarating na pala kami dun. buong byahe kasi pakiramdam ko binoksing ako ni aling dionisia... syet! ang sakit ng ulo ko talaga! byahilo ba... anyway, dumilat lang ako nung pababa na kami ng kotse. at nagmamadaling pumunta sa harap ng simbahan. pagdating namin sa Palacio Del Gobernador, hindi na kami naka-diretso sa simbahan. bukod sa sarado ang facade ng simbahan, pinahinto daw muna ang public viewing. siguro dahil may V.I.P. sa loob... sobrang dami ng tao at walang tigil pa ang pagdating nila sa lugar na yon. maaaring lahat sila ay nakikiramay, may ilan na gustong masilayan ang kaputian ni kris, yung iba naman usyoso lang talaga, pero pinaka nakakainis ang mga namumulitika lang. sa harap ng simbahan mismo, madaming sasakyan na nakaparada. madaming pulis. yung mga kotseng nakita ko duon ay mga sasakyan na nun ko lang nakita sa buong buhay ko. nangangahulugan lang na madaming bigating bisita sa loob na gustong makiramay sa pamilya Aquino.



habang naghihintay kami sa harap ng building ng Palacio, nanginain muna ang mga bata ng taho, maning may balat na nilaga at tubig. yosi naman ang sa mga matanda. hintay pa... kwentuhan... as usual, magkatabi na naman kaming magkapatid at patingin-tingin sa paligid. madami ang nakapagsabi sa amin na mukha daw kaming notorious kapag nagtabi kami ni C... parang lagi daw kasi kaming naghahanap ng mapagtatawanan at lalaitin. hahaha... hindi naman masyado! pantanggal lang ng inip, kumbaga.

(ang asong si joy)

sinubukan din naman namin na makisabay sa mga estudyante na nagsidating. kaso, maasim ang leader nila at ayaw magpasabay sa hilera nila. sabi ng lider: "hindi po kami makiki-usyoso lang o mamumulitika dito. makikiramay po kami." ??? talaga lang ha?! kaya pala, may dala pa kayong flag na may logo ng eskwelahan nyo at naka-uniform shirts kayo... hindi nga kayo namumulitika o nakikiusyoso... nagma-marketing lang.



hindi nagtagal, nagdesisyon na kami na huwag ng tumuloy... oo, one step closer na kami kay Cory. pero may mga kasama kaming mga bata na hindi namin pwedeng isabak sa pila at ulanan. isa pa, gutom na ang lahat. naisip namin na umalis na lang at pumunta na sa Estero para i-celebrate ang birthday ng kapatid ko. nag-alay na lang ng konting panalangin kahit nasa labas kami ng simbahan at saka kami umalis. lahat kami gutom na talaga...

(papasok ng Estero sa Ongpin, Manila)

pagdating namin sa estero, hindi na kami nag-dalawang isip. umupo at umorder agad ang bayaw ko. nakalimutan nga agad ng mga bata si cory eh... at dahil birthday ni C, syempre pa, espesyal ang pagkain. kagaya ng Frog Legs with Chili-Garlic. o di ba, espesyal? masarap kumain sa estero. kung pa-coño ka, hindi ka pwede dun. kasi estero nga eh... tabing ilog. pero, sing-sarap ng pagkain sa mamahaling restaurant ang pagkain nila, mura pa! pagkatapos pang masarap na hapunan, hindi pa kami nakuntento at pumunta kami sa Salazar Bakeshop na halos katapat lang ng Estero. masarap din ang mga tinda nila. bumili ako ng paboritong mamon ni ADJ2 at Choco Krinkles na singlaki ng platito. dali-dali din kaming umuwi dahil lumalakas ang ulan at sobrang pagod na din ang bayaw ko.



sa haba ng lakad namin na yun, tinanong ko ang sarili ko... nag-enjoy ba ako? ano ba ang natutunan ko? masaya ba ako kahit pagod?..... madami pa akong tanong, pero sobrang nakakainis ang byahilo ko! nag-enjoy naman ako... may natutunan din, sa palagay ko... pinilit kong i-recall ang lahat ng nangyari sa lumipas na maghapon... wala... ang naaalala ko lang ay ang byahilo ko. bad trip. hindi ko na nga nasilayan kahit kuko ni Cory, sumakit pa ng husto ang ulo ko. buti na lang may frog legs sa estero...

sayang... di ko pala nakunan ng picture. next time na lang.

3 Freakouts:

xoxo jessica said...

ate you went there.. ang lapit lang ng school ko dun haha! actually madadaanan siya nung pila eh XD

i_wander said...

talaga?! sayang naman di tayo nagkasalubong... wala pa namang next time dahil wala ng next cory... hehehe... ^_^

Pretsel Maker said...

meron rin ako Ako Mismo Dog Tag bago ako umalis ng Pinas pumunta muna ako ng The Fort pinanood ko si Eli ng Pupil ahehe

walk with me...