kung pwede lang, hilahin ko ang oras para makita ka na...

kahit magmukhang naglalakad na sako ng bigas, okay lang...
basta masigurado ko lang na malusog ka...

paglabas mo, nagkaron ako ng laruan... nagkatotoo ang nilalaro ko noon na nanay-nanayan... yun nga lang, buhay ang manika ko. totoong umiiyak. totoong gumagalaw.

ang sarap-sarap sa pakiramdam na sa kauna-unahang pagkakataon, meron akong matatawag na akin.
noon kasi madalas lang akong pahiramin ng gamit. o di kaya'y bigyan...
pero ngayon, ikaw ang pinakamaganda sa lahat ng nakita ko na hindi ko kailangan hiramin, ipagmakaawa o hintaying maluma bago ko makuha...
ako ang may-ari sayo...

pero...
papano pag lumaki ka na? akin ka pa ba?
papano kita palalakihin?
magiging mabuting tao ka kaya?
hindi ka ba magkakasakit?
mag-aaral ka kayang mabuti?
anong ituturo ko sayo?
anong ipapangaral ko sayo?
mahirap pala kapag totoo na...
hindi ako pwedeng manghina.
hindi pwedeng umiyak sa harap nila.
hindi ako pwedeng magkasakit.
hindi pwedeng wala.
paano ba?
natatandaan mo ba ang mga tinuturo ko?
natatandaan mo kaya ang mga pangaral ko?
gumagalang ka kaya kapag nasa harap ka ng ibang tao?
ano kaya ang masasabi nila tungkol sayo?
pinahahalagahan mo kaya ang paghihirap ko?
isang araw, hindi na kita kilala. hindi ka na rin akin. baka hindi mo na rin ako pakikinggan...
pero ikaw, hindi kita makakalimutan...
"Sana"y di nagmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni nanay
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal
Awit ng pag-ibig habang akoy nasa duyan"
PBA092p64qrq

2 Freakouts:
natats naman ako dito..
maraming salamat sa iyo, madame k!
Post a Comment