Friday

Para sa Franciscan Quartet...



Madami na ang nakanood sa Franciscan Quartet sa Talentadong Pinoy... unti-unti na din silang nakikilala... at ikinatutuwa nila yun. kahit pa nga hindi sila nanalo sa ikalawang pagkakataon, wala lang sa kanila. bumalik sila agad sa paglalaro ng uno o paghaharutan. ganun ata talaga kapag bata...

pero wala ng hihigit pa siguro sa tuwang nararamdaman namin... kaming mga ina ng apat ng apat na batang ito... kaming mga nanay na unang-unang natataranta kapag may sasalihan silang contest. o di kaya naman may performances sa mga malls o schools. nakakatuwa talaga! wala na akong ibang masasabi kundi yun... siguro kalakip ng kahulugan ng pagiging ina ay ang damdaming nasasaktan kapag sila ay binabatikos o kinaiinisan. hindi ko alam sa mga taong ito pero siguro sira ang tuktok nyo o insecure lang kayo. mula ng lumabas sila sa talentadong pinoy, laman na sila ng ilang forums... kami, kabilang na si teacher C, ay walang habas na nagpasalamat sa mga taong naka-appreciate sa talento ng mga bata. siguro nga O.A. na kung titignan pero dahil mga anak namin sila, kaya kami ganito. well, ako lang naman ang ganito. hehehe... kasi ako lang ang nagba-blog ng tungkol sa kanila.

may isang forum akong nabasa, madami ang nagsabi ng maganda tungkol sa kanila. "wow!" sabi ko... pero may isang post dun na ang sabi nya, bakit daw nagugustuhan ng mga taong yun ang FQ? hindi naman daw madadala ng mga bata ang boses nila hanggang paglaki nila. puro birit lang daw ang ginawa. GUNGGONG KA! teacher pa man din daw kuno sya sa isang sikat na unibersidad. siguro kung anak mo yun, baka nauuna ka pa sa mga nagko-comment at baka hunting-in mo pa ang lahi ng magsasabing pangit ang kanta ng anak mo! meron pa ngang nagsabi ng bulok! yun palalagpasin ko pa eh... insecure naman kasi yung mga yun... pero itong kamote na to, palibhasa wala atang anak, ay naku! naiinis talaga ako sa kanya! mamatay ka sa inggit!

sa ngayon, madaming guestings ang FQ sa mga mall shows. alam nyo kahit hindi sila sumikat, may future ang mga batang to dahil nag-aaral sila at aktibo pa sa ibang school activities. palagi kong sinasabi kay ADJ1 yan... dapat may fallback ka, anak... kung hindi ka mag-succeed sa isa, meron ka pang pagyayamanin na iba... kaya hindi ko sya hinahayaan na malunod sa tagumpay nila. palagi ko syang pinapaalalahanan na dapat marunong syang magbalanse... mahirap i-share sa inyo ang heart to heart talks namin dahil baka sabihin napaka-perpekto ko kahit hindi. kaya, amin na lang yun... wag ka na makisali.

abangan na lang natin ang susunod na kabanata...

0 Freakouts:

walk with me...