ito si Ben Ten. Tama! manok sya! nagulat ka ba at may pangalan pa ang manok namin? ang totoo nyan, si AD ang nagbigay ng pangalan nya. nabili namin sya sa pistahan noong sisiw pa lang sya. sila yung mga sisiw na may kulay na inilalako sa daan kapag may fiesta. minsan palabunutan pa nga para makakuha ka ng isa. kulay green sya nuon. pinili sya ni AD kasi paborito nya si Ben 10. take note, babae si AD. at dahil kulay green ang kulay ng mga gamit ni Ben 10, ito din ang pinili nyang kulay ng sisiw. sa ganyan natuto si AD sa colors. hindi nya natatandaan ang pangalan ng kulay. ina-associate nya ang kulay sa mga bagay o tao at yun ang pangalan ng kulay sa kanya. galing noh?
ngayon, malaki na si Ben Ten. at ang akala ata nya, aso sya. bakit? kasi palagi syang nanghahabol ng mga lumalabas sa gate. palagi syang nanggigiri at nananabong ng paa. tumititig pa nga sya ng patagilid bago sya manugod. kakaiba talaga...
eto si baby kambing. sorry na lang... hindi ko kasi alam ang pangalan nya. bagong panganak yan. ang cute noh?
palagi din syang ginigirian ni Ben Ten. kawawa naman...
ang sarap sa lugar namin di ba? may manok na sira ulo, may autistic na mga aso, may kambing na bagong panganak, at bukid sa tabi ng bahay namin na maraming kuhol.
san ka pa?

0 Freakouts:
Post a Comment