Thursday

September 1

isang araw na espesyal... bakit? ano bang meron kapag sept 1? tsaka bakit ngayon ko lang nai-post ito? dapat nung mismong sept. 1! syonga! ay ganun? pasensya na... sa sobrang dami ng hugasin ko, inabot ako ng tatlong araw sa lababo. ni hindi ko namalayan na ganun na pala ako katagal dun. weh!

sept. 1, birthday ng best friend ko. ilang taon ko na ba syang best friend? 15 years na. 15 pa lang ako nung naging close kami. 30 na ako ngayon. kalahati ng buhay ko na syang kasama, karamay at kaaaway minsan. maasim kasi tong babaeng to eh! sobrang asim! siguro signs of aging. kapag hindi sya nabati o na-text back, galit na agad. o di ba maasim? kainis! pero, hindi ko na sya maitapon. kasi best friends nga kami.

madami kaming pinagdaanan nitong si G. noon, kapag walang pera, yelo lang ang meryenda nya. oo! yelo talaga! kapag meron syang 20 pesos, may pang-yosi na sya nun. tsaka yelo. kaya ayun... 15 years na rin ang ubo nya. amazing.

nagka-anak si G. kaso iniwan sya ng lalaking yun! as in, tinakbuhan. pinasakay lang sya ng jeep, paglingon nya, tumatakbo na palayo ang lalaking yun. totoo! hinabol nya. kaso, nagta-transform ata yung lalaki eh. biglang nawala. kawawa naman si G... umuwi sya nun, tulala. nang ipanganak nya ang bata, wala pang isang buwan... nasa amin na. nung una, binibilhan lang namin ng gatas, diaper, gamot... hanggang sa kami na pala ang nagpapalaki sa bata. dalaga pa ako nun. tita ko ang umampon sa bata. malaki na sya ngayon... pero kilala nya ang mama nya.

naaalala ko... palaging umiiyak si G sa akin. kasi sya mismo, ampon lang din ng pamilyang kinabibilangan nya. palagi syang walang pera. palagi syang halos namamalimos sa mga pinsan nya para may pangkain sya. kaya kapag may pera ako, na hindi naman madalas nangyayari, hinahatian ko sya. minsan bumili kami ng Lucky Me Chicken Noodles. wala silang gas. pano namin iluluto? nagtitigan kami... bumalikwas sya. sabi nya, alam na daw nya... pumasok sya sa bahay nila. pagbalik, may dala syang DPC Yellow Pages. makapal. sinindihan nya ang isang pilas ng pahina nito. sinundan pa nya. nilagyan ng lawanit na napilas nya sa likod ng pinto. paypay. paypay pa. yellow page ulit. ipinatong ko na ang kalderong maliit sa umaapoy na yellow pages at lawanit. sya naman, walang tigil sa pagpilas at pagsalpak ng yellow pages. kahit hindi pa kumukulo, inilagay ko ang noodles. sige pa! paypay. pilas. salpak. paulit-ulit lang. hanggang sa malapit ng maubos ang yellow pages, uminit bahagya ang tubig. parang mainit pa ang jingle ko. pero himalang lumambot ng bahagya din ang noodles. "pwede na yan!" sabi nya. oo nga. kahit ano siguro kakainin namin dahil gutom na talaga kami. masaya namin pinagsaluhan ang basang hilaw na noodles. at sa tuwing maaalala namin ito ngayon, tumatawa na lang kami. salamat sa Diyos. buhay pa kami hanggang ngayon at kahit paano may nagbago sa mga buhay namin mula noon. hindi na kami kumakain ng basang hilaw na noodles. luto na talaga...


sept. 1, ito din ang hudyat namin dito sa bahay na pasko na! taon-taon, pagtuntong ng araw na ito, magpapatugtog na agad si mama ng pamaskong kanta. madalas jackson 5. at kahit hindi na dito nakatira si mama, naiwan ang tradisyon na iyon dito sa bahay. "Early Christmas Morning" by Cindy Lauper. yan ang pinakinggan ko ngayon. wala na kasi yung cd ng jackson 5. ok pa rin. ang importante, hindi ko nakalimutan.


MusicPlaylist
Music Playlist at MixPod.com



sept 1... habang buhay ko na itong ise-celebrate...

0 Freakouts:

walk with me...