Tuesday

tamad

hindi ko na nasundan ang last post ko... wala akong mai-share na masustansya sa inyo dahil sa sobrang busy ko. naging teacher ako sa loob ng tatlong buwan pero walang nangyari. ay hindi! meron pala! tatlong buwan din akong paos. dumami ang wrinkles ko at nadagdagan ang mga kakilala kong sobrang maasim. mga nanay ng estudyante ko, co-teachers at kung sino-sino pa! sa kaasiman, walang tatalo sa mga nanay ng mga batang tinuturuan ko. daig nila ang mga buena familia kung mang-spoiled ng anak nila. tipong mayaman talaga. nakaka-bad trip! at isa pa... maliit ang sweldo ko dun. okay lang sana kung maliit. wala naman akong pakialam masyado sa pera. mabuti nga yun. para wala akong utang na loob sa may-ari ng eskwelahan na wala din utang na loob. sobrang makunat. sobrang maarte. sobrang madaming hinahanap sayo kahit alam naman nya na hindi makakabuhay ng patay ang sweldo namin. sana, mahuli ka ng DepEd na wala kang permit!

sa loob ng mga panahon na yun, madami akong napabayaan. ang mga anak ko, ang buhay ko, ang blog na ito. kaya nung December 15, nag-walk out na ako! hindi na ako makakatagal. sabihin na nilang bastos ako! wala akong pakialam. mas kailangan ako ng mga anak ko. hindi ko na kayang humarap pa sa mga taong walang modo at matindi ang kaasiman!!! lumalaki na ang kasalanan ko at magiging kwarto ko sa impyerno dahil sa inyo!!! SANA TAMAAN KAYO NG KIDLAT!!!

pero sa isang banda, nakaganda din ang experience ko na yun. HAAAH? ANO KAMO? PARANG WALA AKONG MAALALANG MAGANDA! ewan ko... basta pakiramdam ko nag-grow din ako as a person dahil sa trabahong yun. ANO ULIT? pasensya na... pinipilit kong maging nice pero ang daliri ko ata ay may sariling utak. kumokontra sya sa mga nais kong sabihin na maganda.

siguro, yung iba sa inyo ay maiintindihan din ako.. siguro dumating din sa buhay nyo yung ganito. nasayangan din kayo ng oras kagaya ko. sa susunod, hindi na ako uulit sa mga ganitong klaseng tao. para hindi na ako mapapasubo. hindi ba?

sa lahat, Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon! ^_^

2 Freakouts:

Mommy Riza said...

Natawa naman ako dun. Teacher ka pala, anong subjects?

Yaan mo na sila, kahit naman anong gawin natin may mga tao talagang minsan mahirap pakisamahan kahit gaano ka ka-accomodating. Yung kaibigan kong teacher, nag hongkong na lang dahil din sa sweldo. Sabi nga nya, tumigas na raw yata ang mukha nya sa kaka smile, kahit di naman daw ka smile smile eh naka smile sya, yun nasemento na raw yata ang mukha nya ng ganun, ahahah!

i_wander said...

hello, ms. riza! ^_^ oo nagturo ako ng computer at science subjects... jusko! kung alam lang ng mga tao ang hirap ng mga guro... totoo yung sinasabi ng friend mo! plastik na nga ang dating ko eh... tsaka okay lang naman sa akin na magturo pero hindi sa mga ganun kaliliit na bata. i'd prefer older kids kasi mas madaling i-handle sila... thank you ha, sa pagdalaw mo dito sa blog ko. ^_^

walk with me...