habang nagtutupi ako ng mga bagong labang damit sa bahay, natanggap ko ang tawag ni teacher C. akala ko meron na naman kaming solicitation na gagawin. sabi nya, puntahan ko daw sya sa SM Molino. meron daw isang blogger's event duon. aba naman?! bakit hindi ko alam yan? ahehehe... haller! hindi ka naman lumalabas ng bahay! konti na nga lang isa na akong OTAKU! yiiiks!
anyway, ako naman ay nagmadaling naligo at nagmaskara at sabay sibat na papunta sa venue... nakisabit pa nga ako sa mga pinsan ko na papuntang junk shop na may dalang owner jeep na may laman na mga bakal. ok lang... ang importante makarating ako agad sa SM Molino.
humahangos pa ako nga ako ng datnan ko si teacher C sa food court. gustong-gusto ko ang food court dito... tamang tama lang ang ambiance. kahit noon kapag niyayaya ko si D sa SM Molino, hindi ko mapigilang kumain dito kahit konti lang ang Food Stalls... siguro nga yun ang ginusto ko sa lugar na yun. yung hindi ka malilito sa kung anong oorderin mo. tamang-tama lang... parang ako! hehehe... yun pala, isa itong Food Tasting Event kung saan mga bloggers ang imbitado. wow! ang galing! kitam? masarap maging blogger eh. pagka-upo ko, nagsimula na ang pagtikim... tara na!
unang inihandog sa amin ay ang Burger Stake ng Sizzling Plate. sus! siguro naman kahit sino alam na ng Sizzling Plate noh? lagi idn kaming nakain nun pero sa ibang branch nga lang. dito ko lang natikman ang Burger Stake nila. anong masasabi ko? haha! masarap yung patty! mataba at beefy talaga! yip! yip! ^_^ hindi ko lang inubos ang rice... syempre mabubusog ako agad, ayoko nga!
nung nag-serve ng pizza -- tumigil ang oras... parang nakita ko si... si... ah basta! kasi naman, favorite ko ang pizza! tapos yung ibinigay sa amin na pizza ay yung gusto ko talaga... parang French Bread yung crust tsaka madaming cheese --- ma'am, ano nga ulit yung pangalan? aaah! Chansel Pizza pala. hmmm, bago ito ah.. tapos meron din Shawarma! juskopooo! ano ba? parang huling araw ko na! Turk's Shawarma daw ang pangalan nung pizza. masarap kaya lang.... konti... hahaha! kasi konti lang yung binigay... kuya, penge pa.. haha!
eto naman ang nakaka-lurkey! binigyan kami ng takuyaki! Kuya Chito's Takuyaki. aaaaargh! bakit ganun? kakanginig ng laman! favorite ko to! sobrang katakawan ko lahat na lang favorite ko! tapos may inihaw na pusit from Inihaw Express! kasoang day ni teacher C! inubos ang pusit! sige ok lang... minsan lang kasi magka-gusto yan sa food. sabi nya, it's her fave daw. ok fine, ma'am. at ngayon habang ginagawa ko ang post na ito, niyayari ko na ang ice cream nila. kulay pink sya at may choco sprinkles. hmmm. bitin! Miguelito's Ice Cream pala to. first time kong matikman ito. at so far, panalo naman ang rating ko para sa kanya. :)
ang sarap naman. sana laging ganito... abusado? hahaha! wala lang. nakakatuwa lang isipin na ako, isang blogger na may blog na bihirang bisitahin ng viewers ko, ay naging parte ng mahalagang event na ito. sayang nga lang at wala akong dalang camera... :( at may bonus pa! biruin mo naman, nakadaupang palad ko ang ibang kilalang blogger! grabe na to!)
kung saan na naman ako nakarating sa paglalakad ko... :) nabusog pa ako! sayaap! :)
ay! nga pala! muntik ko na makalimutan. nagpatikim din ang Dunkin Donuts at Chef Chow's Shabu-shabu... kasi naman... mamaya ko pa sya kakainin, pagkatapos ng post ko... o sige! hinihintay na ako ng pagkain ko. uubusin ko muna sya.
kitakits! 0_0


5 Freakouts:
Ang saya naman! Sana nakapunta din aku para na-meet na kita ng personal :)
Kaso Molino? Naku po ang layo!!! hahaha
Anyways, nakakaaliw naman tong post mu... nakakaaliw na nakakagutom! Paborito ku rin ung mga kinain mu dun. Swerte ka! :)
hugs!
hay naku, girl! bondat na bondat kaya ang mga bloggers na um-attend! hehehe! na-invite lang ako dito... pero nakakatuwa kasi na-meet ko yung ibang blogger na taga-Cavite. ok naman sila! :) haaay girl... pag may time talaga, meet tayo! :)
Nice photography blog & good post.You have beautifully maintained, you must try this website which really helps to increase your traffic. hope u have a wonderful day & awaiting for more new post. Keep Blogging!
sarap nun ah! XD
light and funny.. and very well written blog. :) Keep it up!
Post a Comment